Nagdaan na naman ang ilang buwan pero nasaan ka na. Akala ko dumating ka na. Nandito lang ako naghihintay. Umaasa na darating ka balang araw. Bagama’t sadyang malupit yata ang tadhana, bigo pa rin akong makilala ka. Nandito ulit ako, nakaupo sa damuhan, nakatingala sa bituin, nagtatanong kung kailan ka darating.
Malamig na ang simo’y ng hangin. Malapit na nanaman ang pasko, sana lang magkita na tayo para hindi na malamig ang pakiramdam ko. Nakakalungkot nanaman sigurong pakinggan ang kantang Pasko Na Sinta Ko. Kailan kaya darating ‘yong panahon na makapiling na kita tuwing sasapit ang pasko.
Posted by: xian | November 17, 2007
Tuwing Sasapit Ang Pasko
Posted in Love Is All That Matters
ang senti! =D
By: aggie on November 19, 2007
at 3:31 am
hindi naman po masyado.. hehehe
ms aggie, ang lapit lng pala ng tinitirhan ko sa inyo, sana’y matuloy na tayong magmit bago ako magbakasyon.. hehehe
By: xian on November 20, 2007
at 9:40 am
aggie..ikaw ba yan? ms. aggie..ikaw ba talaga yan? aggie..ndi nga..ikaw ba talaga yan?
jude si ms. aggie ba natin sya..? ndi nga. pabalikin mo dito jude or pabisitahin.
By: groalingnala on November 20, 2007
at 2:40 pm
yep yep, sya nga po at wala ng iba. ang nag-iisang si ms aggie, hehehe.. yaan mo pag nagkita kame pababalikin ko sya, hehehe. joke..
ms aggie, miss ka na nila oh..
By: xian on November 21, 2007
at 1:39 am